Cremation advantages

The affordable way to depart #memorial experts

Ano ang mga benepisyo/bentaje ng paggamit ng cremation sa paglisan ng mahal sa buhay.

1.  Una, economical, mura at kaya ng lahat:

    Sa P20,000* direct cremation na may kasamang nang urn, ito ay 60% na mas mura  sa karaniwang
    paglilibing sa municipal o catholic cemetery:

            Funeral service                                    P30,000
            Tumba                                                   5,000
            Gastos sa apartment                             15,000

             Suma total                                           50,000

        Kumpara sa interment sa memorial park - 80% cheaper

         Memorial plot                                         50,000
         Interment service                                    27,000
         Funeral service                                       30,000

         Suma total                                             107,000

2.   Safer, healthier at favorable sa kalikasan

      1. Sa direct cremation, walang embalming walang formalyn na maaring sumama sa aquifer na
          source ng contamination.  Ang formalyn sa water supply ay carcinogenic  (pinagmumulan ng
          cancer

      2.  Kung may bacteria virus at iba pang nakakahawang sakit ang yumao ito ay mawawala sa taas ng
          temparatura ng cremation machine (1000 degrees + Fahrenheit)

      3.  Walang leachate na nakakadiri na aagos mula sa apartment. Ito ay hindi maiiwasan sa apartment
            kasi ang mga apartment ay pumuputok dahil sa build up ng nitrogen mula sa nabubulok na katawan
            ng tao


3.  Nakakatipid ng lupa na dapat ginagamit sa agricultura at food production

     Ang mga memorial park ay kumakain ng malalaking lupain na umaabot sa mga ekta ektarya.  Kaya nga
     mahaba at matagal ang pag aprub ng memorial park at mga isang dosenang ahensiya ang pagdadaan
     payagan ang memorial park.

    Sapagkat ang memorial park ay mababawas sa food production at food security.   At ang mga katabi
    nito ay hindi na magagamit sa ibang project dahil sa mga bad feng shui umano ng establisyemento na tabi
    ng sementeryo

 4. Convenient at sang ayon sa lifestyle na mga tao.

    Marami sa probinsiya ay nakatira sa Maynila at kinakailangan silang umuwi sa Undas para bisitahin ang
    mga mahal sa buhay.  Kaya mga puno ang airport, pier at bus station tuwing mag uundas.

    Marami din ang nakatira sa abroad at OFW:  7 millionng lahat na kinakailangang umuwi para dalawin
    ang mahal sa buhay.  Ngayon kung dala nila abo ng mahal sa buhay, mababawasan ang mga pagbiyahe
    at paggastos

No comments:

Post a Comment